Why? We should take care of them. :/

  •  You have to fight your bad days, to deserve your best days.
  •  Yung feeling na nagkukuwento ka tungkol kay CRUSH tapos nasa likod pala siya!
Bakit?

Bakit kaya kung sino pa yung gustong gusto mong maging sayo, yun pa yung pinag damot sayo ng mundo. Siguro may dahilan, mas magandang dahilan? Sana nga. :)

  •  Ang pinaka masakit na GOODBYE, eh yung hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng PUSO mo.
  •  Isa sa pinakamahirap na sitwasyon ay yong pigilan ang pagtulo ng mga luha mo sa kagustuhang wag iparamdam ang nararamdaman mo.
  • GOOD NEWS: Hindi kayo magbe-break. BAD NEWS: Kasi hindi naman kayo! Hahahahahahaha! :))))))))
  •  Ang taong pinakamahirap tanggalin sa isip mo ay yung taong kahit hindi kayo, pero pinapasaya ka at binubuo ang araw mo.
ANG PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA!

sabi ko ayaw kong maglaba sa gabi hindi ko alam kung bakit?

siguro’y ayaw kong makitang nakasungaw ang bituin sa ulap at pinapanood ang bawat kong kusot pero hindi kagabi— ang totoo naglaba ako sinamantala ko ang pangungulimlim ng bituin sa nangingilid na ulap at natitiyak ko maputi ang aking nilabhan sinunod ko yata ang bawat instruksyon sa likod ng pakete ng tide ultra:

1. kunin sa timba ang damdaming matagal nang ibinabad

2. kusutin nang mabuti pabulain, pabulain upang matiyak na natatakpan na ng bula ang mga salitang noon pa sana sinabi

3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw na siyang pagkukulahan, lagyan na lamang ng clorox upang kumupas at walang makakita sa mantsa ni Eros

4. banlawan maraming banlaw at tiyaking maisama sa tubig ang mga sentimiyento at panghihinayang

5. ibuhos sa kanal ang tubig upang makapagtago sa burak ang mga pagsinta

6. isampay sa mahanging lugar ang nilabhang damdamin pabayaan itong makahinga matagal na rin namang naikubli ito sa baul

Pagmumuni pagkatapos…

napigaan ko na ang damit mariin nakalimutan ko nga lamang pigaan ang tubig sa aking mata paalam muna samantala’y magpapatuyo muna ako— ng damit ng mata

sana’y walang makakita

salamat sa pakete ng tide ultra! :(